In his New Year Homily Pope Benedict XVI mentioned :" “I would like to underline the fact that, in the face of the shadows that obscure the horizon of today’s world, to assume responsibility for educating young people in knowledge of the truth, in fundamental values and virtues, is to look to the future with hope,” the pontiff said.
By this statement, analysts reckoned that the Pope was referring to the worsening world economic crisis and the unprecedented surge in environmental disasters.
Sa ating palibot makikita natin ang kaugnayan ng homiliya na Santo Papa sa halimbawa ng kawalan ng sigla ngayon sa kabuhayan ng nga magsasaka dahil sa pagkasira ng patubig dulot ng di pangkaraniwang epekto ng mga nakaraang bagyo at baha.
Kaya nga'y ayon din sa Papa, natutuon ngayon sa balikat ng mga kabataan ang bigat ng mga suliranin na hindi naman sila ang may kagagawan. Kaya napakahalaga ang tungkulin ng mga magulang na ituro sa kanilang mga supling ang mga makatotohanang sanhi ng mga kabigatang dinaranas ngayon, sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga magandang kaugalian upang kahit papaano ay magkaroon sila nga pag-asa na meron pa ring liwanag sa kanilang kinabukasan.
Iyan rin ang dahilan kung bakit mahalagang tulungan ang ating Alma Mater na magpatuloy sa pagpapalaganap ng mga aral na maka-Diyos at mapagkumbabang pagtulong sa pangkalahatang kabutihan ng kapwa.
Ang ating mga ninuno ay maraming naipundar na mga institusyon at kabihasnang matatag kahit karampot lamang teknolohiyang kinagisnan nila. Ang pagbabangon ng tahanan noon ay ginagawan nila sa pagsilang ng buwan at ang paglilipat kung ito'y mayari ay sa sa araw ng buong sikat ng buwan. Sumasagisag ito sa kanilang pagkilala na may mas mataas na kapangyarihan na nagbibigay liwanag at gabay. Nagsisimba sila ng daling araw bago sumapit ang Pasko upang pagsikat ng araw ay maaari pa rin silang tumungo sa bukid upang mag-ani ng palay. Ang pagdiriwang at pagpipinipigan sa Pista ay isang pasasalamat sa mabuting ani at pagbibigay pugay sa Patrong San Ildefonso at Birheng Guadalupe na nawa'y basbasan silang muli na magkaroon ng masaganang ani sa susunod na bagong taon.
Sa mga nakasaksi sa pinagmulan ng ating mga kaugalian, nakakabagabag at di mawarian ang sanhi ng naguumapaw na pagdiriwang sa gitna ng kahirapan. Taimtim na panalangin at pagbibigay gabay sa mga kabataan ang kailangan. Kaya dapat nating tulungan ang ating paaralan.....peligroso kung di natin pakikinggan ang hiling na siya'y dalawin at bahaginan ng kaunting panahon at pansin man lamang.
MAPAYAPA AT LIGTAS NA BAGONG TAON SA LAHAT ! MASAYANG IKA-APAT NA ANIBERSARYO SA ATING SICAA COMMUNICATIONS GROUP. ITAGUYOD PO NATIN ANG PAGPAPALAWAK NITO SA SICAA 3D : Grade School, High School, at College Alumni.
Mabuhay ang San Ildefonso College, ang ating Mahal na Alma Mater sa kaniyang pagtungo sa ika 100 Taong paglilingkod sa mga mamamayan ng Tanay at mga karatig bayan !
Sunday, January 1, 2012
Subscribe to:
Posts (Atom)