Sunday, October 4, 2009

San Francsico de Asis sa Tanay





Dahil ngayon ang Pista ng San Francsico de Asis, hinanap ko ang imahen niys sa Retablo ng Simbahan ng San Ildefonso de Toledo, mapapos magsimba doon. Nagtanong ako sa isang sacristan pero hindi daw niya alam. Ang hinahanap ko ay ang imagen ni San Francsico ma may ibon malapit sa kamay niya gaya ng nakikita ko sa iba. Hindi ko naman makita ang pangalan niya dahil may bagong ilaw na inilagay sa mga imahen na nakakatakip sa mga pangalan ng santo. Pero hindi maaarin wala dito si San Francsico dahil ang simbahan na ito at itinayo ng mga Paring Fransicano, di ba? Ka ya matapos ang misa at itinanong k kay Father Felix at baka alam niya, nguni't hindi rin daw niya napapansin kung meron. Kaya inisa isa ako ang mga Santo sa Panginahing Retablo at nakita ko sa likod ng bagong ilaw ang "San Francisco". Nasa Unang helera sya sa gawing kanan mula sa gitna ng Altar.

Nangungulika ako sa dating kulay ng retablo. Ang alam ko kasi na bilang "National Treasure", ano mang pagbabago ay nagdadaan ng pagsusuri ng NCCA at Pampansang Museo. Pero paanong magiging ginto ang buong poste samtalang sa mga original na arkitectura ay kumakatawan sila sa bato? Yung mga embelismo ay maaring ginto pero marahil hindi ang buong poste. Namimiss ko rin ang Marian Blue na kulay sa mga bandeha tulad ng lumang kulay sa gilid na retablo na hindi na nila nababago. Sayang, pero opinyon ko lang naman po ito.

No comments: